Halos dalawang taon na nang magsimula ang pandemya, patuloy pa rin ang pagkalat ng COVID-19, kabilang ang mga mas nakakahawang variants nito.
Mahalagang magpabakuna agad kung pagkakataon mo na at patuloy na isagawa ang mga pamamaraan para manatiling protektado at maiwasan ang mga hawaan. Ang pagbabakuna, kasama ang mga minimum public health standards, ay susi sa pagpigil ng pagkalat ng SARS-Cov-2 virus at sa pagpapababa ng abilidad nitong mag-mutate sa mas peligrosong variants.
Napatunayan na epektibo ang mga paraang ito para sa pagpapatuloy ng pang-araw-araw na pamumuhay at ligtas na pagbubukas ng ekonomiya. Tandaan at laging gawin ang anim na paraan upang manataling protektado ang iyong sarili at ang iyong komunidad mula sa COVID-19.
READ: Learn more about protective measures
READ: Learn more about protective measures
1. Magpabakuna agad kung pagkakataon mo na.
Ang payo namin: Magpabakuna agad kung pagkakataon mo na.
Bakit ito mabisa: Ang mga aprubadong bakuna kontra COVID-19 ay nagbibigay ng mataas na antas ng proteksyon laban sa malubhang sakit o pagkamatay sa sakit, kahit na hindi nito lubos na napipigilan ang hawaan.
Ang World Health Organization (WHO) ay patuloy na nananawagan na lahat ng tao – anuman ang edad o estado sa buhay – ay magkaroon ng access sa ligtas at epektibong bakuna kontra COVID-19. Kung limitado ang supply, bigyang prayoridad ang mga taong mas nanganganib na magkaroon ng COVID-19 gaya ng ating frontline health care workers. Unahin din nating bakunahan ang mga vulnerable populations – taong edad 60 pataas, mga may comorbidities o karamdaman, at mga buntis – na may mataas na peligrong magkaroon ng malubhang COVID-19.
Kapag maraming fully vaccinated sa isang komunidad, mas magiging protektado ang bawat isa. Ngunit kailangan pa rin nating ipagpatuloy ang pagsasagawa ng iba pang limang paraan para manatiling ligtas at protektado.
2. Magsuot ng mask.
Ang payo namin: Magsuot ng mask na maayos ang lapat sa mukha, lalo kung hindi posible ang pagsasagawa ng physical distancing at kung hindi maganda ang daloy ng hangin – maging sa bahay o sa kulob na lugar.
Bakit ito mabisa: Nakatutulong ang masks sa pagpigil ng pagkalat ng virus at pagpigil ng hawaan kapag nalanghap o direktang mapunta sa mata, ilong, o bibig ang droplets na may virus.
Para maging epektibo ang masks:
- Linisin ang mga kamay bago magsuot ng mask, bago at pagkatapos itong tanggalin, at kapag hinahawakan ito anumang oras.
- Siguruhing natatakpan nito ang iyong ilong, bibig, at baba.
- Iimbak sa isang malinis na supot kapag tatanggalin na.
- Labhan araw-araw ang mga mask na gawa sa tela at itapon nang maayos ang mga medical mask sa basurahan.
- Huwag gumamit ng mask na may valve.
3. Panatilihin ang physical distancing.
Ang payo namin: Dumistansya ng isang metro sa bawat isa, kahit na ang taong kasalamuha ay mukhang walang karamdaman.
Bakit ito mabisa: Ang COVID-19 ay sanhi ng virus na tinatawag na SARS-CoV-2. Ito ay naipapasa mula sa bibig o ilong ng taong may sakit sa pamamagitan ng maliliit na liquid particles kapag siya ay umuubo, bumabahing, nagsasalita, kumakanta, o humihinga.
Ayon sa kasalukuyang ebidensya, ang virus ay maaaring malanghap o direktang mapunta sa mata, ilong, o bibig kapag ang mga tao ay magkalapit sa isa’t isa, karaniwan ay kung nasa pagitan ng isang metro.
Kung ikaw ay balikbayan na uuwi sa iyong pamilya, mas ligtas ang mga pagtitipon kung napapanatili ang physical distancing. Pinakamainam pa rin ang pakikisalamuha sa iyong “family bubble” o mga kapamilya sa iisang bahay.
4. Takpan ang bibig at ilong kapag uubo at babahing.
Ang payo namin: Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang braso o sa tisyu kapag ikaw ay uubo o babahing. Itapon agad ang nagamit na tisyu sa basurahan at hugasan ang iyong mga kamay.
Bakit ito mabisa: Sa pagpapanatili at pagsunod sa maayos na respiratory hygiene, pinoprotektahan mo ang iyong sarili at ang mga tao sa paligid mo mula sa COVID-19 virus.
5. Panatilihing malinis ang mga kamay.
Ang payo namin: Palagiang maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, o alcohol-based hand rub.
Bakit ito mabisa: Maaari kang makakuha ng virus sa paghawak ng kontaminadong bagay at pagkatapos ay ipanghahawak mo ito sa iyong mata, ilong, o bibig. Ang palagiang paghugas at paglinis ng mga kamay ay nakakapuksa ng germs, kasama ang viruses, na maaaring nasa kamay mo na.
Linisin at i-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan tulad ng hawakan ng pinto, gripo, at phone screens.
Bonus: Ang pagpapanatili ng maayos na hand hygiene ay nakatutulong sa pagpigil ng maraming sakit.
6. Siguruhin na may maayos na daloy ng hangin.
Ang payo namin: Magbukas ng mga bintana hangga’t maaari.
Bakit ito mabisa: Madaling naipapasa ang COVID-19 sa mga matao at kulob na lugar, at kung saan nagtitipon ang mga tao nang matagal. Ilan sa mga lugar kung saan may mas mataas na panganib na magkaroon ng outbreaks o pagkalat ng virus ay restaurants, choir practices, fitness classes, karaoke bars, nightclubs, mga opisina, at mga lugar ng pagsamba.
READ: Learn more about ventilation
READ: Learn more about ventilation
Para gawing mas ligtas hangga’t maaari ang pag-uwi sa kani-kanilang pamilya:
- Iwasan ang 3 C's: Closed Areas o mga kulob na lugar, Crowded Settings o mga matataong lugar, Close Contact o malapitang pakikisalamuha sa mga tao.
- Makipagkita sa labas. Ang pagtitipon sa labas ay mas ligtas kaysa sa indoor settings, lalo na kung maliit at kulob ito.
- Kung hindi maiiwasan ang mga matataong lugar at indoor settings:
- Buksan ang mga bintana upang magkaroon ng maayos na daloy ng hangin o natural ventilation.
- Bawasan ang oras na igugugol sa mga kulob na lugar.
- Magsuot ng mask.
- Panatilihin ang physical distancing.
Alamin ang mag sintomas ng COVID-19 at manatili na lamang sa bahay kung ikaw ay may sakit.
Bagaman posibleng maging asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ang isang taong may COVID-19, ang mga taong may sintomas ay karaniwang nakakaranas ng lagnat, dry cough, at fatigue o pagkapagod. Ang ilan naman sa mga sintomas na hindi pangkaraniwan ay pagkawala ng panlasa o pang-amoy, nasal congestion, conjuctivitis (kilala rin bilang red eyes), sore throat, sakit ng ulo, sakit ng mga kasu-kasuan at katawan, skin rash, pagduduwal o pagsusuka, diarrhea, panginginig, at pagkahilo.
Kung ikaw ay nakararanas ng nabanggit na mga sintomas, manatali na lamang sa bahay at tumawag sa iyong healthcare provider, sa COVID-19 hotline ng iyong Local Government Unit (LGU), o sa One Hospital Command Center (0919-977-3333, 0915-777-7777, 02-886-505-00) upang alamin ang mga dapat gawin.
Alamin kung kailan at saan maaaring magpa-test, kung ikaw ba ay dapat mag-isolate at kung paano masusubaybayan ang iyong kalagayan. Sa mga naging close contact sa taong kumpirmado o maaaring may COVID-19, maaari rin kayong sumailalim sa quarantine at magpa-test. Sumunod pa rin sa COVID-19 guidelines sa inyong lugar.
Kung ikaw naman ay nakararanas ng hirap sa paghinga, o sakit o bigat sa iyong dibdib, kumonsulta agad sa iyong healthcare provider. Maaari ring tumawag sa COVID-19 hotline ng iyong LGU upang malaman kung saan dapat pumunta.
Kung inirerekomenda sa lugar ninyo na pumunta sa isang medical facility para sumailalim sa assessment at testing, magsuot ng medical mask habang bumibiyahe papunta at pauwi mula sa facility, at habang nagpapakonsulta o nagpapagamot. Panatilihin ang isang metrong distansya sa mag tao hangga’t maaari at iwasang humawak sa mga bagay sa paligid gamit ang iyong mga kamay.
Let us #DoItAll para manatiling ligtas at protektado laban sa COVID-19.